13
Jul
09

blast day!!!

who says you can’t enjoy YOUR day without using so much money??

who says you can’t be happy if you have no gifts (material things) on your birthday??

dati paniniwala ko sa buhay, kapag birthday, may regalo ako makukuha..lalo sa mga ninong..kung anumang regalo yun, mapa-damit, sapatos, o kaya ay pera, basta excited ako kapag papalapit o parating ang birthday ko..sino ba namang hindi diba??

Continue reading ‘blast day!!!’

Advertisements
29
Jun
09

the day…

isang masayang pagbabalik blog ulet..haha

masaya ako..wla lang.. gusto ko lang magpost..

matagal tagal narin ako hndi naging masaya gaya nito.. actually, madami naman talagang dahilan ang buhay para sumaya tayong mga tao diba?? may mga problema o pagsubok mang dumating sa atin, ok lang.. sabi nga nila, if there are thousand of reasons to cry, still, there are millions of reasons to smile.. at totoo nga yan.. at minsan ang kaligayahan, nasa tao narin.. kung pano niya tatanggapin ang lahat ng dumadating s kanya, kung pano niya tignang positibo ang mga negatibo.. imposible?? na-ah.. posible yan..

at isa pa, mayron namang tayong Diyos na nsa itaas lang.. nagmamasid-masid.. at sympre handa tyong tulungan sa lahat ng panahon..

june 28 2009.. araw na dumating na talaga namang nagpasaya sakin ng todo todo.. define todo talaga..haha.. ilang araw din akong nagdasal, nagipon ng lakas ng loob at syempre ng kapal ng mukha.. haha.. at luckily, hindi nasayang ang lahat ng paghihirap.. sa ngaun masaya ako.. kung kanino o tungkol saan naman un ay, sikret muna.. malapit nadin ang birthday ko na talagang msaya ako dahil dun..nako minsan lang dumadating ang araw ko..kaya dpat lubos lubusin na..diba??

if there is a chance, why would you let it slip?? grab the opportunity..  tandaan, hindi sa lahat ng panahon ay may dumadating na oportunidad.. kung sa tingin mo ay kaya mo, o pwede ka, why not grab it diba??

natatawa ako sa sarili ko kasi nagbabalik ako sa dating ako..  sabi NIYA, ang bait bait ko daw ngaun.. eh mtgal na nga akong mabaet.. mapang asar nga lang..wahaha..

basta i promise i’ll take care of her.. and..

im happy she’s there…

oooooooopppsss…. sino nga ba tinutukoi ko?? sikret muna.. nyahaha

basta masaya ko.. un na..

08
Jun
09

General Anesthesia…

Is anyone here familiar with general anesthesia?? sa anesthesia siguro lahat oo.. pero general anesthesia?? maaaring sa mga nursing and medical students jan, alam ito.. general anesthesia ginagamit sa mga operations sa patients.. ito ung tipo ng anesthesia na wala talagang mararamdamang sakit ang pasyente all over his/her body.. kalimitang tulog o pinapatulog ang mga pasyenteng may ganito..pero kung gising sila, wala sila nararamdaman sa buong katawan nila..para lang silang nkahiga sa kama ng deretso.. kumbaga MANHID ang buong katawan..(hindi ko sure kung tama ang alam ko pero ayan ang alam ko..haha)

bakit nga ba ito ang napili kong intro ng aking blog??eh wala lang..kasi ito lang general anesthesia ang pumasok bigla sa isip ko na kadugtong sa mismong dapat na subject ko.. haha.. wala lang .. ayan napahaba ko na siya ng mahaba nga.. saya.. pag mejo dumami pumasok sa isip ko, isa na lang talaga at hindi na random things ang isusulat ko..nyahaha..

Continue reading ‘General Anesthesia…’

13
May
09

The Return of the Comeback!!!

whoa!! tiyak marami ang magugulat sa muling pagbabalik ng mga post ko dito.. haha.. kahit ako nagulat sa aking pagbabalik.. lalo na un mga nasanay na dumalaw dito na walang ibang naabutan kundi ang last post ni joycee na summertips niya.. at sa ngayon ay mag gagalera pa ang babaeng yan.. haha.. joyce, pasalubong ahh..thanks.. haha

anyweiz, gusto ko kayong kuwentuhan about sa mga nangyari sakin.. mejo sobrang busy sa skul pero hndi naman nawawala sa mga activities sa church..yung ibang post ni joycee ay andun din nman ako kaya auko nadin ulitin ung mga post niya.. haha

mejo naging busy lang po si netoriffic pero buhay pa naman siya..  actually auko padin talaga magpost kaso inaawitan nako nina joycee at ng bagong wordpress blogger na si shawie na magpost na.. at eto kahit wala akong talagang maisip na subject ay nagpost parin.. auko padin mag-post kasi baka ma-adik ako at hindi na makapgduty ng maayos..niyahahaha..

pero sa totoo lang,namiss ko nadin ang blog world xempre..eto na ang pangatlong bahay ko sumunod sa church at sa orig na bahay namin.. hehe.. sa ngayon tinatapos ko ang duty ko until 1st week ng june, at pagkatapos nun, weeeeee… magaadik na ulet ako.. magblog..magnet..magtambay sa bahay atbp.. nyahahaha

baka maubusan ako ng topic niyan.. hahabigayn niyo naman ako ng topic..hehe

grabe andami ko namiss.. ang post ni heleyna, epfi at ng lahat ng nasa link ko..haha.. isama na natin ang mga suki sa blog ko na si cindy, yhen, yeye, pati si rev,utoy atpb.. ung mga hindi ko nabanggit wag magtampo ha?? mejo kinaakapos lang ako ng oras kasi may duty pa ako bukas sa caloocan..bawi ako next time sa pagbisita sa cyber bahay niyo uki?? hehe

sa ngayon hello muna ulet sa aking cyberbahay, sa lahat ng dadalaw dito, at sa lahat ng walang sawang sumusuporta.. tandaan po netoriffic, sa darating an eleksiyon..  *wooot*

sige sa aking pagbabalik isang post at may matinong topic na hindi tulad nito..haha

31
Mar
09

Summer Tips from Joyceebelle

Summertime
Beyonce

♪ It was the summertime
When we fell in love it was the summertime ♪

Hello! Halerr! Hallow and all. Nagbabalik ang Joycee sa Netoriffic, personal request ng Kuya Neto dahil sya ay uber busy. Hayaan na muna natin sya hanggang makagraduate sya. Congratuleyshuns pala in advance pakner! Magpapa-moo sandwich ka sa gradweyshun mo ha.. 😀

Heniwey haywey national haywey, eto at summer na naman sa ‘Pinas. Nararamdaman niyo na ba ang init ng panahon? Yung tipong kahit bagong ligo ka eh you don’t feel fresh dahil sa sobrang init at kahet buksan mo ang aircon eh nakatutok pa din sa’yo ang electric fan. At kahet ilang ice cream at softdrinks ang laklakin mo eh andyan pa din ang linsyak na inet na yan.

Continue reading ‘Summer Tips from Joyceebelle’

13
Mar
09

beep beep beep beep!!!

matagal ko na gusto ipost ito at ishare sa inyo kaso ay ngaun lang ako nabigyan ng pagkakataon maipost ito dahil nasira pa ang memory card ng cp ko kaya hnintay q muna un.. kung bakit kelangan ko pa hintayin un?? malalaman niyo din.. wag excited masyado.. hehe ang post na to ay in-relation sa nauna ko post na tag ni JEX na tungkol sa broom broom.. ito ay isa sa mga experience ko sa buhay na masasabing nagbibigay ngiti sa aking mga labi.. (oh ha, anlalim niyan)..

Continue reading ‘beep beep beep beep!!!’

02
Mar
09

tagsters to the MAX!!!

isa nanamang tag.. pero ngayon galing ito kay kapatid na jex.. salamat sa kanya at nakaisip ako ng magandang maipost.. may isa akong gustong ishare na post kaso wak muna ngayon.. may inaayos pa ako sa mga kagamitan ko eh kaya hindi ko mai-post.. hehehe

cge simulan na natin ang kalokohang ito..

tricycle

napakaswerteng nilalang ni manong driver ng trike na to dahil kasama siya sa picture.. at tuwing may gustong tumingin sa internet ng pektyurs ng trike eh makikita siya..wahahaha.. madami nako experience na makasakay sa sasakyang ito.. may masayang paglalakbay.. may boring.. may nakakantok.. may nakakatabing wierdo.. at may friendly na driver.. game din ako kung trike(tricycle) na lang ang natitirang sasakyang bumibyahe.. hindi naman ako maarte.. hehe.. sabi nga ni sharon cuneta — SAKAY NA!!!

jeep

beep beep beep beep!! ayan na ang hari ng kalsada ng pilipinas.. considered number 1 public transport vehicle ng pilipinas.. araw araw na ginawa ng Maykapal ay nasasakyan ko to.. kahit pagpasok ko sa skul suki nako ng mge jeepney na biyaheng Dapitan o di kaya ay blumentritt dimasalang..(ayan may idea na siguro ang ilan kung san ako nagaaral)hehe.. gaya ng trike may iba’t ibang experience nako sa pagsakay dito.. maging tungkol sa driver man o sa kapwa ko pasahero.. may isa akong pasaherong nakasabay minsan na sobrang antok yata.. hindi ko alam kung naglasing siya magdamag o nagtrabaho.. ang sigurado ko lang eh puyat siya at mukhang walang tulog.. ayun sa buong biyahe ng jeep eh tulog siya.. lumampas pa siya.. ehehehe.. kakatuwa yung reaksiyon niyang gulat na gulat kasi parang anlayo na ng narating niya at ng nilampas niya sa dapat niyang pagbabaan.. haha.. pero sa ngayon may kumakalaban dito sa sasakyang ito.. ang sasakyan na bukod tangin nangahas na kunin ang titulo sa jeepney bilang hari ng kalsada.. at ito ang…..

tangaraw ekek

ayan.. siya ang umaagaw sa titulo ni kumpareng jeepney bilang hari ng kalsada.. Ang Tamaraw Fx na sumikat dahil ginawang taxi ng mga pinoy.. di hamak nga namang mas maraming pasaherong maisasakay kumpara sa kotseng taxi.. at syempre kapag mas maraming pasahero, mas maraming kita.. masaya ang sumakay diyan.. kasi meron ang aming pamilya na isang ganyan.. haha.. malamang makakasakay talaga ako jan.. biglang nagsulputan ang mga taxing ganito sa pilipinas.. konti lang ang pagkakaiba ng minimun na pamasahe nito sa jeep pero mas kinagat ng tao kasi kumpara mo nga naman sa jeep makakadating ka sa pupuntahan mo na hindi nalalanghap ang lahat ng usok sa hangin.. aircon pa ang biyahe mu.. at higit sa lahat pwedeng pwede matulog.. yan kasi ang gusto ng pinoy.. ang matulog sa biyahe.. lalo na kung pagod at antok ka.. masarap kasi matulog sa may aircon.. sa init ng panahon sa pilipinas, hindi ko masisisi ang iba na ito ang piliin sakyan kasi di hamak na MAS komportable sakyan..taxi

ang hirap maghanap ng picture nito.. eto na lang nakita ko.. ok na yan.. wag nang choosy.. hehe.. eto minsan lang ako nakakasakay sa mga ganitong sasakyan.. kasi naman una mahal ang pamasahe.. pangalawa, karamihan ng driver namimili ng pasahero.. pangatlo, papasakayin ka nga o pipiliin ka nga, tataasan pa ang bayad mo.. may additional payment pa.. kung hindi ba naman kurakot.. sorry sa mga taong may kamag-anak na may ganitong trabaho.. karamihan kasi(take note KARAMIHAN.. NOT necessarily mean LAHAT) pero syempre experience parin sa pagbiyahe and this is a “must-ride” vehicle kung nasa pinas ka..

bus

kapag naaalala ko ang bus na ito.. Philippine Rabbit ay natatakot ako.. dahil napanuod ko yung pelikula ni Kris Aquino na Feng Shui.. namatay yung karakter ng isang lalaki na ipinanganak sa year of the rabbit, at namatay siya dahil nasagasaan ng philippine rabbit bus lines.. bakit ako natatakot?? kasi year of hte rabbit din ako pinanganak.. oo pelikula lang yun pero nakaktakot eh.. ano peklam mu?? haha eto araw araw ko karamay sa pagpasok sa skul, punta sa galaan etc.. basta luluwas ako ng maynila, eto ang sinasakyan ko.. lubhang napakarami kong hindi malilimutang experience sa pagsakay sa mga bus pero hindi ko na makwento kasi nangangati ako at kasalukuyang naghihirap ako sa allergy na hindi ko alam kung saan nagmula.. ampfness naman.. napunta tuloi ang post ko sa allergy.. haha.. bukas pagpunta ko ng duty, sasakay ulet ako sa bus.. weeeeee

lrt1

hindi ko alam kung maituturing na broom broom ito gaya ng sabi ni jex pero isa kasi ito sa mga nasasakyan ko.. malaking tulong ito sa lahat kaya isasama ko siya.. ok lang naman siguro.. hehe

LRT o Light Rail Transit na unang binuksan sa kapanahunan pa ng mga kurakot at diktador na pangulo ng pilipinas(tama ba??).. pero infairness, hanggang ngayun nagagamit ng masang pilipino.. pero kamakailan lang ay nabalita sa TV na kelangan na daw ng Complete make-over o renovation ng LRT line 1.. lumang luma na nga naman kasi ito.. ilang milyon o bilyong ikot na ng gulong ang nagawa nito.. ilang bilyong katao na ang naisakay nito.. pero hindi pa na rerenovate ng buong buo.. puro remedyo lang ang nagagawa.. sana magawa ito at pagtuunan ng pansin ng gobyerno kasi malaking tulong ito sa pilipino.. at maging sa mga pulis na hindi marunong mag traffic aide kasi magkakabuhl buhol ang trapiko sa lansangan ng kamaynilaan kapag nawala ito.. sayang naman..

ayan.. nagawa ko na ang tagsters ni kapatid na Jex.. sana u enjoyed reading.. eheheh.. auko mang tag.. basta ayoko lang.. ehehe.. sige po.. ciao.. til next post..

PS.

kahit hindi kayo magcomment.. ok lang.. hindi naman ako namimilit.. ahahah